INILUNSAD naman ng National Economic and Development Authority ang datos mula sa kanilang gawin ang survey sa mga mithi ng mga Filipino pagsapit ng 2040.
Sa isang talakayang dinaluhan ng mga kinatawan ng pamahalaan, pribadong sektor at mga mamamahayag, naniniwala ang karamihang magiging matatag at maayos ang buhay na magkakaroon ng sapat na salaping tutugon sa kanilang mga pangangailangan. Nais ng karamihan ng mga lumahok sa survey na kailangang paghandaan ang kanilang kinabukasan sampu na ng kanilang mga supling. Mithi rin ng karamihan ng tumugon sa survey na magkaroon ng sariling bahay at lupang matatawag na kanilang sarili na may sapat na mga kalayaan at masisiyasahan sa patas na pamamalakad ng pamahalaan.
Simple at maayos na buhay ang sinasabing prayoridad ng mga mamamayan.
Sa naturang survey, lumabas na nais ng karamihan na magiging ligtas sa pagkagutom at kahirapan at may patas na oportunidad sa pagkakaroon ng patas na pamahalaan.
Bahagi ng survey na sa taong 2040, ang Pilipinas ay magiging middle-class society. Natuldukan na ang kahirapan at pagkagutom. Ambisyon din ng mga nakalahok sa survey na magkaroon ng sapat na hanapbuhay.
Ayon kay NEDA Director General at Socio-Economic Planning Secretary Emmanuel F. Esguerra, makakamtan ang mga pangarap na ito kung magkakaroon ng tamang pamamalakad at mga palatuntunang magpapaunlad sa bansa.
Link: http://filipino.cri.cn/301/2016/03/30/2s142677.htm